2 Samuel 8

Ang mga Pagtatagumpay ni Haring David

(1 Cro. 18:1-17)

1Kinalaunan, natalo at nasakop ni David ang mga Filisteo. Inagaw niya mula sa kanila ang Meteg Amma. 2Natalo rin ni David ang mga Moabita. Nakahanay na pinahiga niya ang mga ito sa lupa, at sinukat niya ang mga ito sa pamamagitan ng isang lubid. Ang mga napabilang sa sukat na dalawang lubid ay pinagpapatay, at ang mga napabilang naman sa sukat ng pangatlong lubid ay hinayaang mabuhay. Ang mga Moabitang hinayaang mabuhay ay nagpasakop kay David at nagbayad sa kanya ng buwis.

3Nakipaglaban din si David kay Haring Hadadezer ng Zoba, na anak ni Rehob, habang papunta si Hadadezer sa lupaing malapit sa Ilog ng Eufrates para bawiin ito. 4Naagaw nila David ang 1,000 niyang karwahe, 7,000 mangangarwahe,
1,000 niyang karwahe, 7,000 mangangarwahe: Itoʼy ayon sa tekstong Septuagint (at sa 1 Cro. 18:4). Sa Hebreo, 1,700 mangangarwahe.
at 20,000 sundalo. Pinilayan nila David ang mga kabayo na humihila ng mga karwahe, maliban lang sa 100 kabayo na itinira nila para gamitin.

5Nang dumating ang mga Arameo
Arameo: o, taga-Syria. Ganito rin sa talatang 6.
mula sa Damascus para tulungan si Hadadezer, pinatay nila David ang 22,000 sa mga ito.
6Nagpatayo agad si David ng mga kampo sa Damascus, ang lugar ng mga Arameo. At naging sakop niya ang mga ito, at nagbayad sila ng buwis sa kanya. Pinagtagumpay ng Panginoon si David sa bawat labanang pupuntahan niya. 7Kinuha ni David ang mga gintong kalasag na pag-aari ng mga opisyal ni Hadadezer, at dinala ang mga ito sa Jerusalem. 8Kinuha rin niya ang napakaraming tanso sa Beta
Beta: Sa ibang mga tekstong Septuagint (at sa 1 Cro. 18:8), Teba.
at Berotai, mga bayang sakop ni Hadadezer.

9Nabalitaan ni Haring Tou
Tou: o, Toi.
ng Hamat na tinalo ni David ang buong sundalo ni Hadadezer.
10Kaya pinapunta niya ang anak niyang si Joram kay Haring David para kamustahin at batiin sa pagkakapanalo niya kay Hadadezer. (Noon pa man ay magkalaban na sina Tou at Hadadezer.) Nagdala si Joram ng mga regalong gawa sa pilak, ginto at tanso. 11Inihandog ito ni Haring David sa Panginoon, gaya ng ginawa niya sa mga pilak at ginto na nasamsam niya mula lahat ng bansang tinalo niya – 12ang Edom,
Edom: Ito ay ayon sa Septuagint, Syriac at sa iba pang tekstong Hebreo. Sa ibang tekstong Hebreo, Aram.
Moab, Ammon, Filistia at Amalek. Inihandog din niya ang mga nasamsam nila mula kay Haring Hadadezer ng Zoba, na anak ni Rehob.
13Naging tanyag pa si David nang mapatay niya ang 18,000 Edomita
Edomita: Itoʼy ayon sa tekstong Septuagint at Syriac; sa Hebreo, Aram (na ang ibig sabihin, mga Arameo.)
sa lambak na tinatawag na Asin.
14Naglagay siya ng mga kampo sa buong Edom, at sinakop niya ang mga Edomita. Pinagtagumpay ng Panginoon si David sa bawat labanang pinupuntahan niya.

Ang mga Opisyal ni David

15Naghari si David sa buong Israel. Ginawa niya ang matuwid at tama para sa lahat ng mamamayan niya. 16Si Joab na anak ni Zeruya ang namumuno sa mga sundalo niya. Si Jehoshafat naman na anak ni Ahilud ang namamahala sa mga kasulatan ng kaharian. 17Sina Zadok na anak ni Ahitub at Ahimelec na anak ni Abiatar ang mga punong pari. Si Seraya ang kalihim. 18Si Benaya na anak ni Jehoyada ang namumuno sa mga Kereteo at Peleteo na mga personal niyang tagapagbantay. At ang mga anak niyang lalaki ang mga tagapayo
tagapayo: o, pari.
niya.

Copyright information for TglASD